Thursday, February 23, 2012

Seatmate




Dear Seatmate,


Hindi naman talaga ako natutulog sa klase kahapon. Nakasubsob lang ang mukha ko sa armchair. Kunyari tulog ako pero pasimple kitang tinitingnan. Ayaw mo kasi ng tinititigan kita kasi nako-conscious ka. Muntik mo pa nga akong mabuking noong hinaplos mo ang likod ko kasi nakiliti ako. Ewan ko ba, masyadong akong inlab sa mga mata mo kahit may kalakihan. Naaaliw nga pala ako kapag nakikita kong kumukunot ang noo mo lalo na kapag hindi mo naiintindihan ang algebra. Reklamo mo pa, hindi naman convertible sa cash ang x at y.


Alam mo hanggang ngayon natatawa pa din ako. Hindi ko kasi akalain na magiging tayo. Dati kasi nakukulitan ako sa'yo lalo na kapag nagpapaturo ka ng assignment. Ayaw na nga kita tulungan kasi napapansin ko parang ako na ang gumagawa. Tatanggi na sana ako kaso dinadaan mo ako sa kindat o kaya susuhulan mo ako ng slurpee. Hanggang sa nasanay na akong kasama ka at hinahanap-hanap ko na palagi ang presence mo.

Kanina nga pala noong uwian nasermonan ako ng professor natin sa Elective. Nakita nya daw kasi akong nagtetext sa klase nya. Hindi naman ako nagtetext e, tiningnan ko lang nag picture mo sa cellphone ko. Pasensya na kasi stolen shot yon. Tinulugan mo kasi ako noong nagrereview tayo sa bahay. Hindi ko nga alam kung review ang ginawa natin kasi kain ka lang naman ng kain tapos noong nabusog ka tinulugan mo lang ako. Hindi naman kita ninakawan ng halik sa labi kanina may ibinulong lang ako sa bibig mo. Sanay ka naman di ba na bumubulong ako sa buhok mo? Parang ganun din lang yun. Hindi ko naman alam na ikaw si sleeping beauty, isang halik lang gising na.

Alam mo, mahal na mahal kita. Sa katunayan, kahit wala ka sa tabi ko, napapangiti na ako sa tuwing naiisip kita. Kapag nga nagtetext ako sayo, isang letter pa lang ang natatype ko, kinilig na ako. I love you, Anne. You might not be my first love pero pangako, you will be the last. My heart is only meant for you. I want us to share same the feeling. Share the same joy. And end up together.



The greatest journey in my life is When our souls have finally found each other.

Kandila





Handang isakripisyo ang sariling buhay,
lumuha ng katagalan at masaktan
para sa liwanag at kapakanan ng nakararami..



___Naranasan mo na bang ibigay yung buong buhay mo, para sa kapakanan ng ibang tao? Kaya mo bang pagsabay-sabayin yung hirap, pagod at sakit? Kaya mo bang isakripisyo lahat ng kasiyahan at maging pagkatao mo, makita mo lang silang masaya? Kaya mo bang magtiis ng pangungulila, umasang balang araw, mararamdaman mo rin ang ilan man sa pinaramdam mo sa kanila. Yung ipagtanggol ka kahit ba alam mong hindi nila kaya, yung mag attempt lang ba.Yung maranasan mo kung gaano ka kahalaga, kung gaano nila iniingatan yung pwede mong maramdaman. Yung dahil sa desperado kang maramdaman yun, kahit attempt lang gawin nila kontento ka na.

___Bakit nga ba? Bakit nga ba nabubuhay ako para sa ibang tao? Sa mga taong hindi ko tiyak kung hanggang kailan mananatili sa buhay ko. Ilang sakit na rin. Ilang sakripisyo na rin, pero hindi ako nagsasawang magmahal, magpahalaga at irespeto ang nararamdaman ng bawat isa. Tipong una pa lang alam mo ng masasaktan ka lang, but you stil give the best shot, kasi gusto mong makapagpasaya, kasi ayaw mong may mabigo.

___Naranasan mo na bang maglingkod at ibuhos lahat para sa ikabubuti ng nakararami pero tanging panghuhusga at masasakit na salita ang nakukuha mo sa kanila? Nakakasama ng loob hindi ba? Pero sa kabila ng lahat, pinipili mo pa ring irespeto ang bawat salita nila kasabay ng paniniwalang ikaw lang sa sarili mo ang nakakaalam ng lahat ng ginagawa mo.

___Eh ang maging Ama ng maraming beses, magpalaki ng bata, at kunin ito sayo? Naranasan mo na ba? Naranasan mo na bang maging masaya dulot ng ngiti ng mga batang tila nagsisilbi mong lakas sa lahat ng oras? At paglapit ng loob mo ay sya ding paglayo ng pagkakataon sayo. Gaano nga ba kasakit mawalan ng mga anghel? Para mo na rin sinabing ang tatlong patong ng buhay mo’y pinagkait sayo.

___Ang mawalan ng magulang na katuwang at nagsisilbing pananggalang sa lahat ng aspeto ng buhay mo. Magulang na walang hindi hinangad para sa ikabubuti mo. Ina na nagsilbi mong matalik na kaibigan, tagaluto, tagapag alaga at tagapag asikaso san ka man mapunta, at sa lahat ng nakasanayan mo, hindi mo na naisip, na isang araw, gigising ka na lang na wala ng gagawa nito sayo.

___Bunga ng lahat ng ito, nabago ang paguugali ko, naging hayok ako sa atensyon ng iba, o yung sinasabing papansin. Hindi dahil sa yun ang layunin mo, sadyang nangungulila ka lang sa mga taong nagparamdam at gumawa sa iyo ng mga bagay na ito.

___Sa loob ng 3 taon, magisa kang namuhay. Bawat problema,mag isa mong dinadala, yung tipong pag-uwi mo, uupo ka na lang at papatak ang luha sa mga mata mo, walang isang salita ang makakapag paliwanag ng tunay na nararamdamn mo. Hanggang sa may darating at magpapabago ng lahat ng ito..

___Naranasan mo na bang magmahal ng milya milya ang layo? Gumawa ng memories sa pamamagitan lamang ng telepono? Ikwento ang bawat nangyayari sa buhay nyo sa pamamagitan lamang ng litrato kasabay ng mga videong nagpapawala ng lahat ng iniisip mo? Maaring mahirap, nakaka pangulila. Kung tunay kang nagmamahal, hindi mahalaga ang pagitan, kundi kung paano kayo lalaban sa kabila ng kalayuan.

___Pero wala na sigurong sasaya pa sa karanasang mahalin ka ng taong mahal mo sa kabila ng maraming kakulangan. Intindihin ka hangga’t kayang maunawaan, sabay na pagaralan ang hindi alam, at labanan lahat ng may tiwala’t pagmamahal. Maaring hindi perpekto, kaya nga ang tanong, hanggang san ka ba tatagal? Hanggang kailan mo kayang tanggapin lahat ng differences? Hanggang kailan mo sya mamahalin? Ito na siguro ang pinaka madaling tanong sa taong tunay na nagmamahal.

___Hangga’t nasa tabi kita, hangga’t mahal kita, sa lahat ng pagkakataon, iintindihin, mamahalin, irerespeto at bibigyang pansin ang lahat ng meron ka’t wala ka. Hindi sa tagal o sa dami ng nagagawa nasusukat ang lahat ng ito. Hindi naman natin kailangan ng taong iintindihin lang tayo. Maswerte ako, na may mga pagkakataong hindi nya ko naiitindihan, pero ni minsan hindi sya nawala.

___Mahirap ang buhay. Pinapadali lang ng mga taong may pakialam sa nararamdman mo. Isa lang ang buhay, sakyan mo na ng patas at may pagmamahal. Bawat araw, iparamdam mo sa kanila kung gaano sila kahalaga sa buhay mo. Mas masayang lumisan ng walang pinagsisisihan at mabuhay ng may kaligayahan.


Marami pang problema.
Marami pa rin bukas at pagkakataong maaaring mapasayo.
Kung hahayaan mo.
Kung gugustuhin mo.
Kung hahawakan mo.
Dahil ang mga ganitong karanasan.
Bihira lang ang nabibiyayaan.

Naalala ko lang ang kahapon

isang araw nagising ako ng umagang iyon. napaharap ako sa salamin.
biglang bumalik sa aking ala-ala ang kahapon na nag daan.

isang batang lalaki ang natutulog sa loob ng nakaparadang jeep.
nagising alas kwatro ng umaga dahil sa rebulusyon ng makina ng jeep na papaalis na. ang batang lalaki ay bumangon at nag lakad na hindi niya alam kung saan sya paparoon. walang laman ang sikmura marumi ang paa. nilalamig pa sa mga oras na iyon. halatang antok pa ang batang iyon dahil sa murang edad na labin tatlong taong gulang nabuhay ng matatag at tigasin sa isang lugar sa tondo manila. nais pang matulog na batang iyon subalit wala na siyang makitang jeep na nakaparada para maituloy ang pagtulog niya. lakad ng lakad subalit sapat na ang siakt ng araw upang maghanap naman ng makakain. sa di kalayuan namataan niya ang kanyang step father na may hawak na kung anong bagay na papalit sa kanya at ambang hahatawin siya ng matigas na bagay subalit bago pa ito nagawa nang huli agad kumaripas ng takbo ang bata. umiyak at pmunta sa bubong ng eskwelahan dahil alam niyang ito ang ligtas na lugar para sa kanya. bakasyong ang mga panahon na iyon at nag uumpisa ng mamunga ang puno ng kaimito sa eskwelahang iyon. tuming ang bata sa mga bunga nagbakasakali na ay hinog ng bunga upang maging agahan ng bata. subalit sa awa ng diyos walng hinog na bunga. kahit walang hinog na bunga kumuha pa rin ang bata at paulit-ulit na pinukpok sa mga pader na katabi ni lumambot lang ang bunga. ng matiyak niyang ito'y malambot na kinain niya ito kahit may pakla ang mga dagta ng kaimitong hinog sa pukpok.
wala ng magagawa ang bata dahil sa itinaboy siya mismo ng kanyang ina at ipinalit sa bago nitong asawa. at sa bawat araw na dumaraan ahabang may bunga ang puno ng kaimito sa eskwelahan makikita ang batang yon na nanginginain ng bunga ng puno. at sa araw araw na inilagi niya dito nabuo ang kanyang pangarap na makapag tapos ng pag aaral sa kanyang pagsisikap.
nag trabaho ang batang ito sa edad na katorse sa mga night club naging waiter ang bata. hanggang sa nahasa sa pakikipag usap at pakikisama. nag aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. naranasan na ng batang ito ang halos 30% ng bisyo na mababalitaan sa tv at mababasa sa dyaryo. naging mapusok ang bata dahil na rin sa lugar na kanyang kinalakihan namulat siya ng walang takot sa mga taong makakaharap. hanggang sa nalulong sa shabu ang batang ito na halos umikot ang utak sa hindi magandang gawain. hanggang isang araw ay nakapag isip ang bata at nagtanong sa kanyang isipan kung hanggang kelan siya magiging ganoon. tumayo ang bata sapo ang kanyang mukha ng may makita siyang isang ngongo hindi gaanong makaintindi at maruming marumi ang kaanyuhan nito na nagsusumikap na maghanap buhay ng hindi gumagamit ng ipnagbabawal na gamot.
doon nabuhayan ang bata tumayo siya sa kanyang pag kakaupo lumabas lumanghap ng sariwang hangin at naabuo ang kanyang bagong layunin na mag aral muli. sa ngayon ang batang ito ay nakatapos ng computer at cellphone tech sa tesda at ngayon ay may sariling pinagkakatiaang maliit na pwesto. itinaguyod niya ang kanyang sarili sa abot ng kanyang makakaya at pinalaya niya ang kanyang sarili mula sa kawalan papuntang paroroonan sa tamang landas at maayos na pamumuhay bilang isang makaturangang tao. salamat po sa mga magbabasa at bumasa ang aking maiksing talambuhay.

Love Letter







Hindi sinasadya napindot ko pa yung buton ng first floor. Nagpapadyak pa ko sa inis, at mabilis na pinindot ang ground floor sa loob ng elevator. Peste kasi yung mga tanong sa job interview kanina. Accountant lang naman ang inaaplayan ko, bakit nila ako tatanungin ng kasaysayan ni Albert Einstein. Yung mga nauna sakin ear to ear ang mga ngiti matapos lumabas ng kwarto nung nag-i-interview. Inisip ko tuloy na fill in the blank lang ang mga tanong. Pakiramdam ko tuloy pinahamak nila ako. Paglabas ko isa isa ko silang hinanap para sakalin, pero mabilis pa sila sa pulitikong nagnakaw kung magtago.

Apatnapu't isang palapag ang taas ng gusali. Sa taas, hindi maiwasang mabingi ang sasakay ng elevator. Aatakihin naman ng asthma ang magnanakaw kung susubukang gumamit ng hagdan. Halatang hindi ako ang nagbackground check, at hindi nakapagdala ng chewing gum. Pero mas priority ko nang makauwi, at tumaya nalang sa lotto. Para kung tumama ipapasisante ko yung nag-interview sa akin.

Nasa ika-tatlumpong baitang palang huminto na agad ang sinasakyan ko. Nag-slide ang pinto, at sumakay ang isang babaeng naka-mini skirt, itim na bolero, at nakapusod ang buhok. May katangkaran din, at singkit ang mga mata.

"Gilbert?! Is that you?" wika nya habang pasimpleng pinunasan ang lagpas na lipstick sa labi.

Tinitigan ko pa syang maigi, baka kasi sya yung napaginipan ko noong isang gabi. O di kaya e yung katabi ko kanina sa upuan habang naghihintay na bastedin ako nung interviewer. Pero hindi. Matapos manlisik ang mga mata sa pilit na pagmumukha sa kanya. Sinundan naman ito ng pagbilog nung pinakita nya sakin yung nunal nya sa siko, na kasing laki ng lumang limang piso.

"Andrea?!"

"Dito ka namamasukan?" masaya nyang tanong sa akin. Hinihintay ko kung anung palapag ang kanyang pipiliin. Pero nakalimutan na yata dahil sa tuwa.

"Nag-aaply palang, di naman natanggap"

"Sayang no? Ikaw kasi! Kahit sa pag-aaply ng trabaho ako pa din iniisip mo" sinundan nya pa ng malakas na tawa.

Wala pa din syang pinagbago. Klasmeyt ko sya nung kolehiyo. Naging kaibigan, kabarkada, kaasaran, kainuman, at kadaldalan. Hindi ko namalayan noong huli nahulog ang puso ko sa kanya. "Kaninong love letter ito?" Tandang tanda ko pa ang malakas na pagtawa ni Emon, habang walang awang minamaestra ang liham ko kay Andrea, sa harap ng buong tropa. Hindi ko naibigay dahil sa hiya. Ang kinaiinis ko naiwan ko pa sa maliit na kubo na tinatambayan namin tuwing walang klase. Si Emon nakadampot. Hindi nakuntento ang loko sa pagtawa, nakuha pang ipost sa Friendster ni Andrea at nang buong barkada. Isang linggo din akong walang mahugutan ng lakas ng loob nun.

"Loko! Ikaw? Saan ka nagtatrabaho?"

"Dito. Sa Loan Financing Company. Bakit mo nililliko ang usapan?" pabiro nyang tanong.

"Niliko ko ba? Gusto ko lang malaman kung saan ka naguubos ng panahon"

Nung nalaman nya ang nararamdaman ko, halos araw araw nya akong kinukulit kung totoo ba. Nakagraduate kami pero di ko nagawang aminin sa kanya. Kahit bihira nalang kami magkita panay naman ang padala nya ng text messages sakin. Sa isang araw hindi bababa sa sampung love quotes ang natatanggap ko, at kahit pa kasing dali nalang ng pagpapak ng chichiria ang pag-amin na mahal ko sya sa text ay di ko pa din nagawa.

"Yung sulat mo noon. Bakit hindi mo maamin sakin?" Akala ko tapos na ang alamat na yun. Sa tono nya ngayon parang bumalik lang ang araw ng kahihiyan ko noon. Pero iba na ang sitwasyon noon, kesa ngayon. Hindi na kami bata na nagmamahal lang gamit ang mga mata.

"Oo sakin yun, at para sayo. Hindi na malabo yan ha! Crush kasi kita noon. Hindi ko masabi e, kaya sinulat ko nalang"

"Magpaliwanag ba? Kung inamin mo lang, eh di sana nalaman mong crush din kita"

"Naunahan ng hiya. Natabunan ng alaska ng tropa"

"Sayang no? Mahal pa naman din kita noon"

Bumukas ang pinto ng elevator. Nagtaka pa ko sa bilis ng pangyayari. May kung anong pananabik sa loob loob ko, na tila gusto kong pigilan ang hakbang ng kanyang mga paa. Binibigyan nya ako ng pagkakataon para mahalin sya. Isang imbitasyon na matagal na sanang pinaunlakan kung hindi lang ako naging duwag at sinakop ng hiya. Kung may napaghugutan lang sana ako ng lakas ng loob, at kung naging parokyano lang ako ni Robin Padilla. Kami na sana. Naiwan akong nakatayo sa lobby kasama ng mga di kilalang tao, na kahit pagbuntungan ko ng inis ay mukhang hindi makikinig sa istorya ko.




"Natutulog, Natutulog si Gilbert! Si Gilbert!"




Tawanan ang buong klase nung naalimpungatan ako. Yung prof ko pala ang nag-utos na mag sing-along ang mga estudyante. Malakas naman ang tawa ni Andrea na katabi ko lang. Napapangiti pa ako habang nagkakamot ng ulo. Napansin ko ang kapirasong tinuping papel sa bulsa ng polo ko. Simplehan ko itong inabot kay Andrea nung sumapit ang break.

"Ngiti"




"Smile!!", sabi ng photographer sa aming class picture, ngumiti naman ako, pagkatapos bigla akong napa isip, at nagtanong sa aking sarili,
"Ngiti?, ano nga ba ang ngiti?, ano ang nagagawa nito sa buhay ng tao?", katanungan ng isip kong hindi kayang sagutan ng sarili ko, "Yeheey!, uwian na", sigaw ko, masaya akong lumabas ng paaralan, hindi pa rin mawala sa isip ko ang katanungang ginawa ko kanina lan, napagpasiyahan kong mag masid, "Ang daya mo talaga", "Hindi naman, magaling lang ako", pag tatalo ng dalawang batang naglalaro ng basketball, ang isa ay naiinis at ang ang isa naman ay nakangiti ngunit naka ngisi halatang fake may halo kasing pang aasar, "Miss, sakay na, hindi bagay sa iyo ang maglakad", paanyaya ng tricycle driver sa seksing babaeng naglalakad, nakangiti ang tricycle driver ngunit halatang may kasamang pagnanasa, nagpatuloy ako sa aking paglalakad, napahinto ako sa simbahan, "You may now kiss the bride", "Mabuhay ang bagong kasal", hiyawan sa loob ng simbahan, kitang kita sa mukha ng ikinasal na masaya sila, nakangiti kasi na may kasamang pagmamahal sa isa't isa, malapit na ako sa amin ng madaanan ko ang isang aso na kung pagmamasdan mo nakangiti rin, at ang katabi niyang aso malungkot naman, naisip ko na iba rin ang ngiti ng aso kitang kitang may halong pang gugulang sa isang aso, sa aming tahanan sinalubong ako ng kapatid ko, "Kuya, yeheey, andito na si kuya", sigaw ng kapatid ko, nakangiti rin, masaya siya dahil nakita na niya ako, "Anak magbihis ka na maya maya lang kakain na tayo", sabi ng aking ina "Opo, pahinga lang po sandali", sagot ko, sa aming pagkain may napansin ulit ako, "Wow ang sarap naman nito, nakakawala ng pagod sa trabaho", sabi ng aking ama na nakangiti rin, masaya dahil masarap ang ulam, matapos naming kumain, may napansin ulit ako, "Ako na magtatago nito, ako na bahalang mag budget", sabi ng aking ina, nakangiti rin dahil kakatanggap lang suweldo galing sa aking ama, bago ako natulog, naisip ko lang, "Marami pa lang uri ng ngiti, pero kahit ano pa ang dahilan ng iyong pag ngiti, ang mahalaga masaya ka" "Mahiwaga talaga ang ngiti ng bawat nilalang, at ako'y natulog nang nakangiti dahil masaya at nasagot na ang aking mga tanong. -------------------------- -------------------------- -> Ang pag ngiti ay nakaka alis ng problema o ano mang suliranin, ito rin ay makakatulong upang ikaw ay lalong maging masaya at makapag pasaya ng ibang tao

Checkmate


“Kaya mo yan ano ka ba, ikaw pa kilala kita” - Friend #1, shock absorber

“Hindi bagay sa isang katulad mo ang may pedestrian lane sa noo” - Papa P

“Basta alam mo naman kung ano ang tama” - Sis Jen

“Batukan na kaya kita friend, para matauhan ka?” - Friend #2

“May narealize ako, salamat ha.” - Stranger.

Paulit ulit din umiikot sa isip ko ang mga linyang ito na sinabi sa akin ng mga tao sa paligid ko. Mga taong binigyan ko ng halaga sa buhay ko. Ewan ko ba kung bakit, pero noob talaga ako lalo na pagdating sa ganitong usapan. Pagdating sa tema ng pag-ibig, totoong madalas akong palyado. Hindi makapagdesisyon para sa sarili ko. Wala sa matinong pag-iisip. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag ginusto ko ang isang bagay, gagawin ko lahat makuha lang ‘yon, at hangga’t maaari, walang makakapigil sa akin sa gusto ko. Kaya sa mundong ito na uso ang single; isa ako sa karamihang yun na matagal naring nagpepretend na masaya pagdating sa ganitong usapan. Maraming tanong at naguguluhan.


Pride? Meron ako nun! Mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride ko. Kaya nga ilang beses ko narin pinag iisipan kung isusulat ko ‘to eh. Kaso dumating na ata sa puntong parang sasabog na ako sa pagkikimkim ng lecheng pride na yan just to keep my composure when in fact, wala na akong lusot sa totoong nararamdaman ko. Nakain na lahat ng matatapang na pawns ko. Andyan na ang pagkabigo. Sa madaling salita, wala na akong lusot. Ayun, checkmate na ‘ko.


Sadyang complicated talaga ang buhay ‘no? Bakit ‘pag gusto sayo, ayaw mo? Pag gusto mo naman, ayaw sayo? Sabi nga sa isang fairy tale, bakit kailangan pang humalik sa iba’t ibang palaka bago matagpuan ang prinsipe? Ano bang magandang bagay ang maidudulot sayo ng palaka? Kulugo na kailangan mo pang durugin ng upos ng mainit na sigarilyo bago mawala? At pagkatapos mawala ng kulugong yun? Anong mangyayari? Mag-iiwan ng marka na ipapaalala lang sayo ang bagay na yun?


Sinubukan kong baliin ang katotohanang ‘yun. Pinilit kong mahalin ang isang taong alam kong handang maghintay para sa akin. Pinilit ko, pero bakit ga’non? Ako parin ang talo? Gusto kong maging masaya kami pareho pero bakit parang ayaw ng tadhana? Bakit kahit ilang beses kong baliin ang katotohanan, bumabalik at bumabalik parin ito sa dati nitong anyo? Ngayon, wala na siya, hinahanap ang bagay kung saan siya sasaya. Masaya ako para sa kanya pero minsan gusto ko rin batukan ang sarili ko— Bakit ba kasi hindi nalang siya? Bakit kahit anong gawin ko kaibigan lang ang turing ko sa kanya?


Karma ba ‘tong pinagdadaanan ko ngayon? Cycle na ba ‘to? Pa’no ba ko makakaalis dito?


Minsan gusto kong umakyat sa tuktok ng bundok at doon ko isisigaw lahat. Unfair ang buhay! Meron ka nga nito, meron ka nga ‘non, pero hindi mo naman makuha ang gusto mo. Minsan gusto kong sumigaw at sabihin sa Taong nagplano ng lahat na… pwedeng siya nalang? Pwedeng ganito nalang? Sa pagkakaalam ko po kasi wala naman akong ginawang masama. Nagmahal lang naman ako. Bawal po ba yun?


Pero ewan ko. Siguro naging patas lang ang tadhana sakin. Panalo ako sa ibang bagay pero minsan kailangan din siguro nating tumanggap ng pagkatalo. Minsan kailangan ibaba ang pride para marealize na normal lang ang masaktan at mabigo. Lagi kong iniisip ang sinasabi ko ngayon sa sarili ko. Alam ko namang lahat ng bagay ay may dahilan. Siguro hindi ganito ngayon, pero darating ang panahon na may nakalaan para sayo. Corny pero naniniwala parin ako ‘dun— kahit nakakapagod, kahit na sa ngayon, mahirap paniwalaan.


Magandang laban ang chess na ‘to. Kaya pala categorized as sports dahil para kang naglalaro sa Olympics lalo pa’t hindi ka sanay. Nakakapagod. At the same time, nakakachallenge din sa utak. Parang ngayon. Ngayon ko narerealize na kailangan palang balanse ang utak at puso sa lahat ng bagay. Kung nasa puso mo ang pagkapanalo, kailangang gamitan mo rin ng utak ang bawat galaw na gagawin mo. At lahat ng bagay na yun ay dapat naayon sa tamang galaw. Halimbawa, kung ang King ay dapat gumalaw ng one square direction lang, kailangan mong sundin yun or else, nandadaya ka at masasaktan ka lang at ang ibang tao. Hindi masaya ang pagkapanalo dahil alam mong nandaya ka. Hindi pwedeng puso lang, hindi rin pwedeng puro utak lang. Parang sa paggawa ng isang obra, kailangang parehong maganda sa paningin at may gustong sabihin.


To be a chess master, you have to be a beginner. Hindi lang sa chess, pero sa kahit ano pa mang bagay. Hindi ako expert sa larong ito pero alam kong marami pa akong mapagdadaanan. Marami pang laro na kailangan laruin upang maging bihasa rito. Ilang beses ko mang i-deny pero at this point, tanggap ko na ang pagkatalo ko. Magandang laban, marami akong natutunan. Salamat.


Alam kong tatanggap pa ako ng maraming pagkatalo. Ayokong magmadali, pero pagkatapos ng lahat ng pagkatalong nakuha ko; alam kong mas masarap sa pakiramdam ang manalo na sinunod mo ang tama at ang rules na naaayon sa katotohanan, and as early as now sa itatakdang panahon ng dakilang Chess Master alam kong darating ang panahon na sa kabila ng lahat ng ito, maihahanda ko rin ang sarili kong magpacheckmate sa taong matatanggap ang lahat ng pagkatalo sa buhay ko.

Inspiring Story




A friend forwarded this beautiful story to me. Very inspiring…
please read and be inspired.

I was born in a secluded village on a mountain.
Day by day, my parents plowed the yellow dry soil with their backs towards the sky.

I have a brother who is 3 years younger than me.
I wanted to buy a handkerchief, which all girls around me seemed to have.
So, one day I stole 50 cents from my father's drawer.
Father had discovered about the stolen money right away.

He made me and my younger brother kneel against the wall as he held a bamboo stick in his hand.

"Who stole the money?" he asked.

I was stunned, too afraid to talk. Neither of us admitted to the fault, so he said, "Fine, if nobody wants to admit, you two should be beaten!"

He lifted up the bamboo stick.

Suddenly, my younger brother gripped father's hand and said,
"Dad, I was the one who did it!"

The long stick smacked my brother's back repeatedly.
Father was so angry that he kept on whipping my brother until he lost his breath.

After that, he sat down on our stone bed and scolded my brother, "You have learned to steal from your own house now. What other embarrassing things will you be possibly be doing in the future? You should be beaten to death, you shameless thief!"

That night, my mother and I hugged my brother. His body was full of wounds from the beating but he never shed a single tear.

In the middle of the night, all of sudden, I cried out loudly.

My brother covered my mouth with his little hand and said, Sis, now don't cry anymore. Everything has happened."

I still hate myself for not having enough courage to admit what I did.

Years went by, but the incident still seemed like it just happened yesterday.
I will never forget my brother's expression when he protected me.

That year, my brother was 8 years old and I was 11 years old.

When my brother was in his last year of secondary school, he was accepted in an upper secondary school in the central. At the same time, I was accepted into a university in the province.

That night, father squatted in the yard, smoking, packet by packet.
I could hear him ask my mother, "Both of our children, they have good results?
Very good results?"

Mother wiped off her tears and sighed," What is the use? How can we possibly finance both of them?"

At that time, my brother walked out, he stood in front of father and said,
"Dad, I don't want to continue my study anymore, I have read enough books."

Father swung his hand and slapped my brother on his face.

"Why do you have a spirit so damn weak? Even if it means I have to beg for money on the streets, I will send you two to school until you have both finished your studies!"

And then, he started to knock on every house in the village to borrow money.

I stuck out my hand as gently as I can to my brother's swollen face, and told him,
"A boy has to continue his study; if not; he will not be able to overcome this poverty we are experiencing. " I, on the other hand, had decided not to further my study at the
university.

Nobody knew that on the next day, before dawn, my brother left the house with a few pieces of worn-out clothes and a few dry beans. He sneaked to my side of the bed and left a note on my pillow; "Sis, getting into a university is not easy. I will go find a job and I
will send money to you."

I held the note while sitting on my bed, and cried until I lost my voice.

That year, my brother was 17 years old; I was 20 years old.

With the money father borrowed from the whole village, and the money my brother earned from carrying cement on his back at a construction site, finally, I managed to get to the third year of my study in the university.
One day, while I was studying in my room, my roommate came in and told me, "There's a villager waiting for you outside!"

Why would there be a villager looking for me? I walked out, and I saw my brother from afar. His whole body was covered with dirt, dust, cement and sand. I asked him, "Why did you not tell my roommate that you are my brother?"

He replied with a smile," Look at my appearance. What will they think if they would know that I am your brother? Won't they laugh at you?"

I felt so touched, and tears filled my eyes. I swept away dirt and dust from my brother's body. And told him with a lump in my throat, "I don't care what people would say! You are my brother no matter what your appearance is?"

From his pocket, he took out a butterfly hair clip. He put it on my hair and said,
"I saw all the girls in town are wearing it. So, I think you should also have one."

I could not hold back myself anymore. I pulled my brother into my arms and cried.
That year, my brother was 20 years old; I was 23 years old.

I noticed that the broken window was repaired the first time I brought my boyfriend home. The house was scrubbed cleaned.

After my boyfriend left, I danced like a little girl in front of my mother, "Mom, you didn't have to spend so much time cleaning the house!" But she told me with a smile,
"It was your brother who went home early to clean the house. Didn't you see the wound on his hand? He hurt his hand while he was replacing the window."

I went into my brother's bedroom. Looking at his thin face, I felt like hundreds of needles pricked in my heart.

I applied some ointment on his wound and put a bandage on it, "Does it hurt?" I asked him.

"No, it doesn't hurt. You know, when at the construction site, stones keep falling on my feet ...Even that could not stop me from working."

In the middle of the sentence, he stopped. I turned my back on him and tears rolled down my face. That year, my brother was 23 years old; I was 26 years old.

After I got married, I lived in the city. Many times my husband invited my parents to come and live with us, but they didn't want.

They said, once they left the village, they wouldn't know what to do.
My brother agreed with them. He said, "Sis, you just take care of your parents-in-law. I will take care of Mom and Dad here."

My husband became the director of his factory. We asked my brother to accept the offer of being the manager in the maintenance department. But my brother rejected the offer. He insisted on working as a repairman instead for a start.

One day, my brother was on the top of a ladder repairing a cable, when he got electrocuted, and was sent to the hospital.

My husband and I visited him at the hospital. Looking at the plaster cast on his leg, I grumbled, "Why did you reject the offer of being a manager? Managers won't do something dangerous like that. Now look at you - you are suffering a serious injury. Why didn't you just listen to us?"

With a serious expression on his face, he defended his decision, "Think of brother-in-law. He just became the director, and I being uneducated, and would become a manager, what kind of rumors would fly around?"

My husband's eyes filled up with tears, and then I said, "But you lack in education only because of me!"

"Why do you talk about the past?" he said and then he held my hand.

That year, he was 26 years old and I was 29 years old.

My brother was 30 years old when he married a farmer girl from the village.

During the wedding reception, the master of ceremonies asked him, "Who is the one person you respect and love the most?"

Without even taking a time to think, he answered," My sister." He continued by telling a story I could not even remember.

"When I was in primary school, the school was in a different village. Everyday, my sister and I would walk for 2 hours to school and back home. One day, I lost the other pair of my gloves. My sister gave me one of hers.

She wore only one glove and she had to walk far. When we got home, her hands were trembling because of the cold weather that she could not even hold her chopsticks. From that day on, I swore that as long as I live, I would take care of my sister and will always be
good to her."

Applause filled up the room. All guests turned their attention to me.
I found it hard to speak, "In my whole life, the one I would like to thank most is my brother, "And in this happy occasion, in front of the crowd, tears were rolling down my face again. Love and care for the one you love every single day of your life. You may think what you did is just a small deed, but to that someone, it may mean a lot.